Tungkol sa tagapaglikha

Pangalan: Mark Sherwin Castronuevo Bayanito
Edad: 18 taong gulang
Kasarian: Lalaki
Lugar ng Kinalakihan: Lungsod ng Heneral Santos
Lugar sa Kasalukuyan: Lungsod ng Quezon o Lungsod ng Pasig
Paaralan: Unibersidad ng Pilipinas - Diliman
Kurso: BA Agham Pampulitika (Pangatlong Taon)

Mga Site sa Internet:
[Multiply]

HOY!

Mabuhay!
Baka naman gusto mong ipaalam sa akin na dumaan ka sa aking blogsite!
Maglagay ka naman ng puna sa aking mga lathalain.
O 'di kaya'y mag-iwan ng mensahe sa aking Cbox.
Maraming salamat!

Miyerkules, Disyembre 3, 2008

Ang patuloy na pagsunod sa isang nakaraang nais mabago.

Ako marahil ay naiinis sa ngayon (pero noon pa man) dahil sa taong ito na nag-uugnay sa aking malayong nakaraan at sa aking malabong kasalukuyan.

(AT SANA HINDI MO ITO MABASA.)

Hindi ba dapat siya ang maging lagi kong kasama dahil siya lang ang kilala ko sa mundong aking kinagagalawan? Hindi ba dapat ay ---

Teka nga. Mukhang nabubulag na ako ng mga bagay na nais kong mangyari.

Nais kong muling maiugnay ang sarili ko sa iyo. Nais kong maging malapit sa iyo.
Ngunit ika'y sadya pa ring malayo.

Ikaw na tinuring kong best friend noong tayo'y wala pang ipinagkaiba sa mga musmos na bata ay hindi na ako kilala ngayon.
Hindi naman kita masisisi.
Wala namang may kasalanan sa nangyari (at hindi rin naman talaga iyon maituturing na kasalanan).

Pero, ang saklap hindi ba?
Hindi ko alam. Sa totoo lang ay nalilito pa rin ako hanggang ngayon.

Bakit?
Marahil ay dahil pilit kong ibinabalik ang kanyang dating sarili sa kasalukuyan kung saan hanggang sa mga tingin, na hindi maipaliwanag kung ano ang ibig sabihin, na lang ang aming komunikasyon.

Hindi ko siya maintindihan. Alam ko rin na hindi niya rin ako maintindihan.
Marahil ay kahit ikaw: hindi mo rin ako maiintindihan.

Hindi ko alam ang dapat kong gawin.
Pakiramdam ko ay may posibilidad pa rin na mangyari ang aking nais.
Ngunit batid kong sadyang mahirap nga ito.

Iba na siya.
Hindi ko na siya kilala.
Hindi na siya ang dating taong nagsilbing kaibigan ko na laging nariyan para sa akin.

Marahil ay dapat ko na siyang kausapin at iugnay muli ang aking sarili.
O baka naman dapat ko nang kalimutan ang kahibangan na ito at manatili sa mundong dapat kong kalagyan.

Ngunit bago ko pa man dumating ang sagot sa dapat kong gawin, patuloy muna akong susunod sa nakaraang nais kong mabago - at balikan.

2 komento:

  1. kilala ko siya kaya naintindihan ko mga pinagsasabi mo dito. hala. blackmail. XDD wala akong comment box ba. panu ba ito? ano code mo dito?

    TumugonBurahin
  2. bolpengwalangpahinga:
    marahil may comment box ka na ngayon di ba?
    [ngayon ko lang nadiskubre ang reaksyon mo.]
    hindi mo kaya siya kilala. XD

    pa'no mo ba kasi ginawa yang site mo? wala ka bang piniling blogger template?

    TumugonBurahin