Tungkol sa tagapaglikha

Pangalan: Mark Sherwin Castronuevo Bayanito
Edad: 18 taong gulang
Kasarian: Lalaki
Lugar ng Kinalakihan: Lungsod ng Heneral Santos
Lugar sa Kasalukuyan: Lungsod ng Quezon o Lungsod ng Pasig
Paaralan: Unibersidad ng Pilipinas - Diliman
Kurso: BA Agham Pampulitika (Pangatlong Taon)

Mga Site sa Internet:
[Multiply]

HOY!

Mabuhay!
Baka naman gusto mong ipaalam sa akin na dumaan ka sa aking blogsite!
Maglagay ka naman ng puna sa aking mga lathalain.
O 'di kaya'y mag-iwan ng mensahe sa aking Cbox.
Maraming salamat!

Sabado, Nobyembre 28, 2009

Iritable.

Kung ang ibang tao ay may kakayahang mang-inis, ako naman ay may kakayahang magalit.

Isang linggo akong naging iritable, galit sa mundo, sabi nila.
Nakakainis. Nakakainis ang mga kaibigan. Sila na nga dapat ang makakaintindi sa iyo, sila pa ang magdudulot sa iyo ng labis na nag-aalab na puso. Parang ang sarap tuloy manaksak.

Una sa lahat, hindi mo pwedeng hulaan kung ano ang gagawin ko pagkatapos mo akong asarin. Hindi ako sisigaw. Hindi ako aalis. Papatayin kita. Ayos ba 'yon?
Pangalawa, hindi ako madaling magalit. Nangyari lamang na buhos buhos kayo kung makapag-asar kaya't nagagalit ako.
Pangatlo, hindi ako galit sa mundo. Subukan mong buhayin ang buhay ko at malalaman mo rin kung anong mangyayari sa iyo kapag ikaw ay labis labis na sinasaktan - ng mga taong minamahal mo at akala mo'y nagmamahal sa iyo. Subukan mong maging ako, tingnan natin kung kakayanin mo pang mabuhay.
Pang-apat, mahaba ang aking pasensiya. Nawawala ito kapag may mga katulad mong reklamo ng reklamo. Nanunuot sa kalamnan ko bawat salita mo. Masakit sa tenga.
Panglima, wala kang alam sa kung anong nangyayari sa akin kaya't 'wag na 'wag kang magsasalita na tila ikaw ang Diyos na nakakaalam ng lahat. Tanga ka lang. Wala kang alam. Alalahanin mo iyan. Makontento ka na lang sa kung anong nakikita mo.
Pang-anim, kapag hindi kita ginagalaw at pinapakialaman, wag mo rin akong gagalawin at papakialaman. Baka mabuhusan kita ng asido.
Pangpito, magkakaiba tayo ng antas ng respeto. Kung ganyan ang antas mo ng respeto, hahayaan ko 'yun. Pero 'wag na 'wag mong tatapakan ang katauhan ko.

Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo. Nakakasakit ka na. Nakakahiya ka, kaibigan ka pa naman. Iyan ba ang tungkulin mo? O isa ka lamang ulupong na tutuklaw sa karamihan?

Wala akong kikilalaning kaaway. Hindi kita sasaktan. Mamamatay ka rin.

Huwebes, Nobyembre 5, 2009

Haplos.

Haplos.

Hinaplos niya ako.
Hinaplos niya ako matapos niya akong titigan ng matagal sa mata.
Hinaplos niya ako sa pisngi.

Naramdaman ko ang kanyang mga daliring humahagod sa aking katawan, sa aking pagkatao.
Dumaan ito sa aking dibdib, naglaro sa ibabaw ng aking gutom pang tiyan.
Hindi ko maintindihan kung bakit.
Hindi ko maintindihan hanggang ngayon.

Hinaplos niya ako.
Nilasap ng kamay ang bawat parte, bawat sulok.
Hindi ako makapagpumiglas.

Dahil ayaw ko.

Nakakaligaya, nakakatuwa.
Ngunit nakakabigla.
Hindi ko iyon inaasahan.

Hinaplos niya ako.
Hinaplos niya ako buong magdamag.
Hindi ko mapigil ang aking sarili.
Hinaplos ko siya.
Inabot ko ang kanyang mukha at tinikman ang kanyang mga labi.
Nilaro ko ang kanyang buhok, nilanghap ang kanyang samyo.

Masama.
Oo, masama.

Ano naman ngayon?
Sino pa ba ang makikialam?
Sa lalim ng gabing iyon, wala nang tututol pa.
Wala nang pipigil pa sa paglakbay ng aming mga daliri sa katawan naming dalawa.

Ngunit iyon lang iyon.
Isang sandali.
Isang pangyayari.
Isang memoryang hindi na naulit pa.

*Sa mga nawindang, likha lamang ito. :)