Tungkol sa tagapaglikha

Pangalan: Mark Sherwin Castronuevo Bayanito
Edad: 18 taong gulang
Kasarian: Lalaki
Lugar ng Kinalakihan: Lungsod ng Heneral Santos
Lugar sa Kasalukuyan: Lungsod ng Quezon o Lungsod ng Pasig
Paaralan: Unibersidad ng Pilipinas - Diliman
Kurso: BA Agham Pampulitika (Pangatlong Taon)

Mga Site sa Internet:
[Multiply]

HOY!

Mabuhay!
Baka naman gusto mong ipaalam sa akin na dumaan ka sa aking blogsite!
Maglagay ka naman ng puna sa aking mga lathalain.
O 'di kaya'y mag-iwan ng mensahe sa aking Cbox.
Maraming salamat!

Biyernes, Hulyo 31, 2009

Lolobo na naman ang katawan mo.

Habang unti-unti akong nawawala sa tamang mood,
unti-unti ka namang nagiging walang MODO.

Ang gandang pakinggan para sa iyo, 'di ba? Walang modo.

Bakit kaya?

Hayan at naaapektuhan na naman ako sa iyo.
Dahil ikaw na naman ay
Nagmamarunong.
Nagmamagaling.
Nagmamaganda.
Sumasabat.
Nawawalan ng hiya.
Sumasama.
Lumalamon sa iba.
Nangagamit.
Nananakit.
Nagpapahiya.
Nang-iinis.
Nangungutya.
Nagsisimula ka na naman.

Nakakaawa ka.
Dahil unti-unti ka nang nagiging tulad ng Dagat. Alam mo 'yun? 'Yung dagat?

Mahiya ka naman sa sarili (at katawan) mo.
Humarap ka nga sa salamin. Ang pangit mo, at sa loob nanggagaling ang kabulukan mo.
Naintindihan mo naman 'yun 'di ba? Malamang dahil ikaw nga ay nagmamatalino din.
O baka hindi mo ito maintindihan sapagkat masyado ka nang nabubulag ng iyong ugali.
Sana nga ay tuluyan ka na lang mabulok. Ipokrita.

Teka, kailan mo kaya ulit ako gagamitin?

Lunes, Hulyo 27, 2009

Naghihintay.

Ang hirap mong hintayin, lalo na kapag wala ka talagang inilaang oras para sa akin.

Ang hirap, lalo na kapag hindi mo naman talaga gustong dumating.

Ang hirap, lalo pa't sabik na sabik na talaga ako sa iyo.

Mahirap.
Masakit.
Malas. Malas talaga. Bakit sa iyo pa kasi nahulog. Malas.



Kung bakit ba naman kasi may mga taong mahirap intindihin, pakiramdaman, at mahirap pang iwasan - at hindi mahalin. Sa dinami-dinami nila, sa 'yo pa ako natutuliro. Hindi ko maintindihan. At hindi rin kita maintindihan.
Bakit pa kasi nakilala.
Bakit pa kasi.

Para naman kasing pareho tayo ng nararamdaman. Malamang sa malamang ay hindi.
Wala ka namang pakialam sa akin eh (dahil problema mo lang lagi mong nakikita at idinadaan mo na lang ako sa kung anong paraan). Kung pwede lang ay idaan mo na rin ako sa panahong nagdaan para maitama ko na ang mga mali ko at hindi ka na pansinin pa.
Wala ka namang gusto sa akin. Gusto mo lang akong gamitin at kung gusto mo pa, saka ka lang darating.
Wala ka namang mapapala, dahil nga ayaw mo.
Wala. Puro lang wala.

Kaya tayo, parang wala na lang rin.



Mahirap maghintay. Pero kung hindi mo man lang din gustong dumating, sana makasanayan ko na lang rin ito.

Biyernes, Hulyo 24, 2009

Matutulog tayo ngayong gabi.

Ngayong gabi,
Tayo'y matutulog
Matapos nating abutin
Ang nilalaman ng ating haraya.

Ngayong gabi,
Tayo'y mahihimbing
Sa tabi ng isa't isa
At malulunod sa ligaya.

Ngayong gabi,
Tayo'y magtititigan
Hanggang sa magsawa tayo sa isa't isa
At magkaayawan na.