Tungkol sa tagapaglikha

Pangalan: Mark Sherwin Castronuevo Bayanito
Edad: 18 taong gulang
Kasarian: Lalaki
Lugar ng Kinalakihan: Lungsod ng Heneral Santos
Lugar sa Kasalukuyan: Lungsod ng Quezon o Lungsod ng Pasig
Paaralan: Unibersidad ng Pilipinas - Diliman
Kurso: BA Agham Pampulitika (Pangatlong Taon)

Mga Site sa Internet:
[Multiply]

HOY!

Mabuhay!
Baka naman gusto mong ipaalam sa akin na dumaan ka sa aking blogsite!
Maglagay ka naman ng puna sa aking mga lathalain.
O 'di kaya'y mag-iwan ng mensahe sa aking Cbox.
Maraming salamat!

Martes, Setyembre 22, 2009

Kumakaripas.

Lumulutang ako sa damdamin ko sa iyo.
Ha.

Hindi ko maintindihan. O baka marahil ay hindi ko iniintindi. Pero ganon na nga. Ewan.
Gusto kita, pero bahala na. Hindi ko alam. Hinding hindi ko malalaman. Marahil.
Bumibilis na ang pagdaan ng panahon.
Malay ba nating hahantong sa ganito, 'di ba?
Ah basta. Iba na. Ibang-iba na.

Bawat pangyayari'y bumibilis.
Bawat isa'y kumakaripas.
Nagmamadali.
Nagmamadali ngunit hindi alam nag patutunguhan.

Nawa'y gabyayan na lang tayo.

Lunes, Setyembre 14, 2009

Hindi ko lubos maintindihan.

Hindi ko lubos maintindihan.
Hindi ko lubos maintindihan kung bakit may mga taong kayang gawin ang mga bagay-bagay para sa iba ngunit hindi para sa iyo.
Hindi ko lubos maintindihan kung bakit mas mahalaga pa sa kanya ang kanyang mga hindi mahanap na kaibigan kaysa sa akin na nasa isang tabi lamang at naghihintay.
Hindi ko lubos maintindihan kung bakit ngayong gusto ko na siya, saka pa siya lumalayo.
Hindi ko lubos maintindihan kung bakit niya ako nilalambing paminsan-minsan.
Hindi ko lubos maintindihan kung ano talaga itong aking nararamdaman.
Hindi ko lubos maintindihan kung tama ba ito o mali.
Hindi ko lubos maintindihan kung bakit siya ganoon.
Hindi ko siya lubos maintindihan.

Sabado, Setyembre 5, 2009

Wala nang mag-aalala.

Noong isang taon, may nakilala akong lalake. Siya'y may katangkaran, kayumanggi ang kulay ng balat, madalas ay hindi nasuklay ang buhok, at may mga matang kung hindi tititigang maiigi ay magmimistulang berde. Hindi siya marunong mag-alaga - ng sariling puso, ng sariling buhay.
Alalang-alala ko pa noong isang araw, isang araw na madilim na madilim, siya'y basang-basa sa ulan. Alam kong siya'y umiiyak, ramdam ko iyon. Gasgas na kung gasgas ang pag-akto niyang ito ngunit ito ang nangyari.
Siguradong-sigurado ako, noong araw na iyon ay may itinanim. Diniligan niya ito ng mga luha, mga luhang mapapait, mapupusok. Ang lupang pinagtamnan ay may patabang paghihiganti. Araw-araw niya ito dinidiligan at araw-araw niya ito nilalagyan ng pataba. Lumaki ang tanim at dumami ang mga dahon nito at lumago ang mga tangkay.
Kanina, nakita kong muli ang lalake. Ngayo'y hindi ko na siya kilala. Nakilala ko pa ang kanyang mga mata, kahit ito'y umaapoy. Batid kong kanya ang mga labing walang ibinuka kundi puro mga masasakit na salita. Siguradong sigurado akong sa kanya ang mukhang iyon, na ngayo'y sinasalaminan na ng poot. Tumakbo siya papalayo nang ako'y makita.
Hinabol ko siya.
Nahuli ko siya sa kanyang hardin, harding puno ng mga itinanim - tanim ng sama ng loob. Iginapos ko siya sa lupa para hindi siya makakilos ng masama. Pilit niyang inaabot ang bunga ng isang tanim, bungang maitim na maitim, ngunit alam kong hindi ito bulok.
Matapos ang ilang saglit ay napitas niya ito.
Iyon pala'y ang tanim niya'y nagbunga ng masamang kapalaran - ang aming kamatayan.