Tungkol sa tagapaglikha

Pangalan: Mark Sherwin Castronuevo Bayanito
Edad: 18 taong gulang
Kasarian: Lalaki
Lugar ng Kinalakihan: Lungsod ng Heneral Santos
Lugar sa Kasalukuyan: Lungsod ng Quezon o Lungsod ng Pasig
Paaralan: Unibersidad ng Pilipinas - Diliman
Kurso: BA Agham Pampulitika (Pangatlong Taon)

Mga Site sa Internet:
[Multiply]

HOY!

Mabuhay!
Baka naman gusto mong ipaalam sa akin na dumaan ka sa aking blogsite!
Maglagay ka naman ng puna sa aking mga lathalain.
O 'di kaya'y mag-iwan ng mensahe sa aking Cbox.
Maraming salamat!

Lunes, Agosto 10, 2009

Kaya mula ngayon.




Hindi ko siya magawang ayusin.
Ni hindi ko man lang siya magawang simulan.
Kahit pag-isipan man lang ay hindi ko magawa.
Ang hirap.
Nakakapagod.

Ngunit kailangan ko nang mag-ayos.
Kailangan ko nang magsimula.
Kailangan ko nang mag-isip.
Hindi ito magiging mahirap.
Hindi na ako mapapagod.

Sana lang.

Kaya mula ngayon..

Sabado, Agosto 8, 2009

Malapit na.

Malapit na
Ang pag-abot sa kalangitan,
Ang pagpunyagi para sa nakatakda,
Ang paglisan sa masakit na nararamdaman.

Malapit na
Ang pag-aayon sa mga baraha,
Ang paglilipat ng mga naaayon,
Ang pagsikil sa mga dapat mawala.

Malapit na
Ang pagbaba ng mga ulap,
Ang ating pagiging isa,
Ang paglaho nating dalawa.

Linggo, Agosto 2, 2009

Iba na.

Nakakairita talaga ang media. Kung anu-ano na lang. Malapit na at idedeklara ko na sila bilang salot sa ating lipunan. HAHAHA.

Ngayong araw ay dumayo ako sa SM Megamall upang maghanap ng silicon case para sa aking cell phone. Ang dami ngang shops sa cyberzone nila ngunit wala talaga dun ang aking hinahanap. Mabuti na lang at nasa likod lang pala ang paraiso na St. Francis Square.
'Yun lang talaga ang rason sa kung bakit ako pumunta dun. Ngunit dahil gusto ko lang mag-drama, bumili na rin ako ng itim na polo. Wala lang. Gusto ko lang. Total naman, lagi na akong nauubusan ng pera kaya sanayan na talaga ito. Kaso lang, saka ko lang natanto na palabas na pala ang pelikulang Up. Sayang. Marahil ay hindi ko na siya mapapanood. Wala naman ding kaso iyon. May dvd pa naman eh.
At malamang sa malamang ay mag-isa na naman akong gumala, dahil ang mga gusto kong kasama ay marami pang ginagawa, o 'di nama'y mga wala lang talagang panahon para sa 'kin. Ewan ko ba.
Habang nakatayo ako sa MRT Ortigas Station at naghihintay ng tren pabalik ng North Avenue, nakita ko sina ate Reinna sa kabilang dako ng estasyon. Sa unang tingin ay hindi ko makumpirma kung siya nga iyon. May dumaang tren sa harapan namin. Alam mo 'yung My Sassy Girl na hollywood version? 'Yung poster nito na nasa labas ang lalaki at nakita niya ang babae sa loob ng tren. Iyon ang pumasok sa utak ko. Pero iba naman ang kaso namin. Ibang-iba. Haha. Ayun. Pupunta pala sila nu'n sa La Salle Greenhills para masilayan ang mga labi ng dating pangulong Corazon "Cory" Aquino. Nais ko talagang sumama. Hindi ko lang mabatid kung bakit hindi ako nagpahintay sa kanila at sumakay na talagang tunay sa tren. Asar.
Ayun. Bale, malungkot lang talaga ako ngayong araw. Sa totoo lang, hindi lang naman ngayon eh. Kung dahil lang walang nakikiramay sa akin, hindi ko alam. Ewan. Dahil siguro wala nga silang panahon. Panahon. 'Yun talaga ang kailangan, ano? Hay. Kung alam mo lang kung gaano ako kasabik sa iyo. Gusto kitang yakapin ng mahigpit. Pero ano? Wala. Wala lang. Ganon lang naman talaga iyon 'di ba? Magtatanong ka kung anong problema ko. Ayaw kong sabihin sa iyo nang harapan na ikaw talaga ang problema ko. Takot ako. Baka naman kasi iba ang dating sa iyo nu'n. Aagh. Nakakainis. Bakit ba naman kasi hindi na ito katulad ng dati. Nakakainis ka naman. Ang hirap mong













mahalin.