Sabado, Enero 31, 2009
Tundong.
Tundong, isang maikling pelikulang malaya ni Liryc Dela Cruz.
Hindi ko siya kilala, ngunit kilala ko yung isang babaeng naroroon sa pelikula: si Marikit Rojas Lizardo (slash.... never mind.) na kaklase ko noong elementarya't hayskul at matagal ko na ring malapit na kaibigan.
Kaninang hapon ay sinabi niya sa akin na panoorin ko raw ito. Hindi naman sumagi sa isipan kong naroon pala siya.
Artista talaga.
Ayon sa kanya, ipinalabas raw ang Tundong sa UP Cine Adarna noong ika-17 ng Enero. Hindi naman kasi ako masugid na manonood doon kaya't hindi ko alam. Nakakatuwa naman.
Nanalo ang pelikulang ito ng Bamboo Award mula kay Kidlat Tahimik at Best Musical Score Nominee, ayon na rin sa nakalagay na impormasyon sa kanilang You Tube site.
Maganda ang pelikula, kahit maikli lamang ito at kahit wala itong ipinadinig na dayalogo. Nanatiling epektibo ang bawat galaw ng mga tauhang hindi ipinakilala. Ngunit sa kabila naman noon ay nakilala naman natin ang isang parte ng pangunahing tauhan.
Ang pangunahing tauhan ay isang babaeng muslim, na tila ba'y ikinakahiya ang pagsuot ng tundong, ang pantakip sa buhok at ilang bahagi ng ulo ng mga babaeng muslim. Marahil ay matatalakay rito ang usapin ng diskriminasyon sa pagitan ng mga relihiyon, lalo na't higit na kapansin-pansin ang mga pamayanang Kristiyano sa isla ng Mindanao. Nakakalungkot ngang isipin sapagkat nangyayari talaga ang mga ganitong sitwasyon sa mga mamamayang Muslim sa Pilipinas. Kesyo ganito, kesyo ganyan. E ano naman? Walang dapat mamuong kaibahan kung ang isang babae man ay may gayak na tundong o wala. Ang pagiging mamamayan ay wala sa kaibihan sa relihiyon, o sa itsura o sa kung ano pa man. Sa totoo lang, wala dapat mamayaning kaibihan.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
My gowd, may awards tong flick na to? eh kaklase ko sa Ateneo tong taong toh eh. hahaha!=) good luck sa kanya
TumugonBurahinwow. oo nga eh. nakalagay dun sa youtube profile eh. ^^
TumugonBurahinHindi po si KUBLAI Nagbigay ng AWARD...si KIDLAT TAHIMIK PO
TumugonBurahinSALAMAT sa review na ito...
TumugonBurahinwalang anuman! ^^
TumugonBurahin