Tungkol sa tagapaglikha

Pangalan: Mark Sherwin Castronuevo Bayanito
Edad: 18 taong gulang
Kasarian: Lalaki
Lugar ng Kinalakihan: Lungsod ng Heneral Santos
Lugar sa Kasalukuyan: Lungsod ng Quezon o Lungsod ng Pasig
Paaralan: Unibersidad ng Pilipinas - Diliman
Kurso: BA Agham Pampulitika (Pangatlong Taon)

Mga Site sa Internet:
[Multiply]

HOY!

Mabuhay!
Baka naman gusto mong ipaalam sa akin na dumaan ka sa aking blogsite!
Maglagay ka naman ng puna sa aking mga lathalain.
O 'di kaya'y mag-iwan ng mensahe sa aking Cbox.
Maraming salamat!

Huwebes, Abril 14, 2011

Atin ang Gabi

Hawiin natin ang ulap,
Lusubin natin ang sangkalangitan;

Bigkasin mo ang bawat salita,
Sambitin ang bawat dinarama;

Abutin ng mga kamay ang kawalan,
Lasapin ang walang hanggan;

Damahin ang bawat ponema,
Makinig sa daloy ng musika;

Hubarin ang katauhan,
At humandusay sa damuhan;

Gawing atin ang gabi,
Atin ang atin magpakailanman.

2 komento:

  1. magaganda ang mga tula mo, hindi ko lang alam kung bakit walang nagcocomment. anong malay natin? baka isang araw, o isang gabi, matuklasan na nila ang talento mong matagal na nilang hindi pinapansin.

    TumugonBurahin
  2. oo tama magaling ka gumawa ng mga tula ..ipagpatuloy mo yan !!

    TumugonBurahin