Tungkol sa tagapaglikha

Pangalan: Mark Sherwin Castronuevo Bayanito
Edad: 18 taong gulang
Kasarian: Lalaki
Lugar ng Kinalakihan: Lungsod ng Heneral Santos
Lugar sa Kasalukuyan: Lungsod ng Quezon o Lungsod ng Pasig
Paaralan: Unibersidad ng Pilipinas - Diliman
Kurso: BA Agham Pampulitika (Pangatlong Taon)

Mga Site sa Internet:
[Multiply]

HOY!

Mabuhay!
Baka naman gusto mong ipaalam sa akin na dumaan ka sa aking blogsite!
Maglagay ka naman ng puna sa aking mga lathalain.
O 'di kaya'y mag-iwan ng mensahe sa aking Cbox.
Maraming salamat!

Miyerkules, Oktubre 20, 2010

Plorera.

Pagbaba niya mula sa kanyang kotseng dilaw ay agad siyang sinalubong ng malalakas na tahol ng limang hindi pamilyar na mga aso, pare-parehong maliliit, mabalahibo, mapuputi, na nagpupumilit lumabas sa gate upang kilatisin ang bisita. Pinisil niyang maiigi ang matigas na pindutan ng door bell. Sa isang kisapmata natanaw niya ang anyo ng isang babae, marahil nasa hantungan na ng pagiging kuwarenta, na nagmamadaling pumunta sa gate.

Ang kanyang ina.
Napansin niyang hawak-hawak ng kanyang ina ang isang plorera, asul na porselana, maliit, may karumihan ng kaunti, kasama ng isang maruming pamunas na telang hindi mo akalain na kulay puti.

Bumuhos ang mga luha.

2 komento:

  1. nakaka-touch naman though I don't know what a plorera is. hehehe!

    ano nga po yun? :) I remember during my grade school days na minimention yan sa titser namin minsan. pero nakalimutan ko na kung ano sha :)

    TumugonBurahin
  2. HAHAHA. Natawa naman ako. Ang plorera ay 'flower vase'. :))

    TumugonBurahin