Tungkol sa tagapaglikha

Pangalan: Mark Sherwin Castronuevo Bayanito
Edad: 18 taong gulang
Kasarian: Lalaki
Lugar ng Kinalakihan: Lungsod ng Heneral Santos
Lugar sa Kasalukuyan: Lungsod ng Quezon o Lungsod ng Pasig
Paaralan: Unibersidad ng Pilipinas - Diliman
Kurso: BA Agham Pampulitika (Pangatlong Taon)

Mga Site sa Internet:
[Multiply]

HOY!

Mabuhay!
Baka naman gusto mong ipaalam sa akin na dumaan ka sa aking blogsite!
Maglagay ka naman ng puna sa aking mga lathalain.
O 'di kaya'y mag-iwan ng mensahe sa aking Cbox.
Maraming salamat!

Lunes, Agosto 16, 2010

Hanggang sa muling pagsikat ng araw.

Lagi't lagi na lamang tayong
nahihirapan,
nasasaktan,
nabibigo,
napapagod.

Lagi't lagi na lamang tayong
nagrereklamo,
naghahangad,
naghahanap,
nagtatanong.

Lagi't lagi na lamang tayong
nagtataka,
napapatanto,
nalulumo,
nalulunod.

Ngunit ngayon, sa ating pagsasama,
lagi't lagi na tayong magiging
masaya,
kakayanin ang bawat pagsubok ng isa't isa,
aabangan ang bawat bagong umaga.
Sana.

Marahil tayo'y magkasawaan din at humantong pa sa isang tahimik na pagsara ng ating aklat,
ngunit bago man dumating ang nakapanlulugmok na sandaling iyon,
magkatabi nating lalasapin ang lalim ng gabi, hanggang sa muling pagsikat ng araw.

Mahal na mahal kita.

4 (na) komento:

  1. Nararamdaman ko ang kalungkutan sa bawat salitang isinulat mo. Maari ngang lumipas ang nararamdaman mo pero...ikaw lang ang makakaalam ng desisyong dapat mong gawin. masarap magamahal :D

    http://iskangsabaw.blogspot.com/

    TumugonBurahin
  2. Maraming salamat sa iyong puna! At oo, masarap magmahal. :)

    TumugonBurahin
  3. Naintriga naman ako Kuya kung sino ang pinaghuhugutan mo ng isinulat mo dito. :))

    TumugonBurahin
  4. Charlie, kapag maging super close pa tayo ipapakilala ko kung sino. XD

    TumugonBurahin